Calendar
Nagtaka pa ang mga dilawan na tinambakan sila ng 16.2M eh sa motorcade pa lang pangita na olat na talaga si Lenlen!
UNTI-UNTI nang pinatutunayan ng mga dilawan ang kanilang plano na hindi tatanggapin ang resulta ng eleskiyon kapag natalo si Leni Robredo.
Sa kabila ng mahigit 16.2 million na kalamangan ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., kay outgoing VP Leni Robredo, ang sigaw ng kampo nito ay dinaya raw sila.
Ang bintang na ito ay mahirap patunayan dahil kahit saang anggulo tingnan, mahirap magkaroon ng dayaan sa isang botong na ang lamang sa kalaban ay 16.2 million.
Kahit naman sinong henyo sa ‘dagdag-bawas,’ ay hindi kayang gawin gumawa ng ganitong klaseng magic.
Kasi noong 2016 presidential elections nga ay hindi umubra ang pandaraya kay Pangulong Rodrigo Duterte na lumamang ng six million votes, ngayon pa kayang 16.2 million votes?
Kahit ang mga expert mathematicians ng Ateneo de Manila University at University of the Philippines (UP) School of Statistics at ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ay binaril na rin iyong pinapakalat nilang ’68:32 ratio issue.’
“Hinay-hinay lang. Kasi importante din na walang magduda sa ating demokrasya. So please be careful. There’s so much fake news going around,” sabi ni Myla Villanueva ng chair PPCRV.
“Ang hindi paggalaw ng’ 68:32 ratio’ base sa cumulative totals ay hindi maituturing na irregularity. Mali ang mga kumakalat na analysis base sa cumulative o pinagsama-samang bilang ng boto ng bawat update. Kung walang malinaw na konseksto, ang ganitong patter sa porsiyento ng boto ay hindi maaaring gamiting ebidensiya ng pandaraya,” sabi naman ng UP School of Statistics
Bago ang eleksiyon, kahit kailan ay malaki ang lamang ni Marcos sa mga survey kumpara kay Robredo.
Sa pinakahuling survey ng Publicus Asia noong May 2-5 ay 54 percent ang nakuha ni Marcos, samantalang si Robredo ay 22 percent lang.
Sa Laylo survey result (May 1-4) ay 64 percent si Marcos kumpara sa malayong 21 percent ni Robredo.
Si Leni ay 25 percent sa OCTA Research (April 22-25) na sobrang layo sa lamang ni Marcos na may 58 percent.
Sa Pulse Asia (April 16-21) ay 56 percent si Marcos, at si Robredo ay 23 percent.
Kahit mga radio station survey at organic na Kalye Survey ay palaking tambak sa numero ni Marcos si Robredo.
Tapos ngayon may gana pang magtaka ang kampon ng dilawan kung bakit malaki ang lamang ni Marcos kay Lenlen?
Huwag na tayong lumayo, hindi ba ang mga concert rally ni Leni ay napupuno lang ng hakot, bayaran at mga estudyante at siyempre mga lobo para magmukhang malaki ang kanilang sortie.
Samantalang kay Marcos, kahit saan ito magpunta ay talagang dinudumog ito ng tao – umulan at umaraw.
Ang pinakamalupit, kahit isang beses ay walang maipakitang motorcade si Robredo na dinudumog siya ng tao samantalang kay Marcos ay pangita agad kung sino talaga ang nakalalamang sa mga sumusuporta sa kanya.
Kaya please lang Leni, kung talagang mahal mo ang bayang Pilipinas, tumigil ka na sa ilusyon mong dinaya ka ngayong 2022 national elections dahil lalo ka lang nakakahiya sa taumbayan.
Maliban na lang talaga kung gusto mong magkagulo sa Pilipinas dahil na rin sa kahibangan mo ‘te!