PRC

Nagtapos sa Bocaue nanguna sa nursing licensure exam

235 Views

ISANG nagtapos sa Dr. Yanga’s Colleges Inc. – Bocaue ang nanguna sa April 2023 Philippine Nurses Special Professional Licensure Examination.

Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC) si Czarina Gerard Soriano Gomez ay nakakuha ng 86.00 sa pagsusulit.

Siya ang nakakuha ng pinakamataas na puntos sa 1,917 na pumasa. Nasa 2,857 ang kumuha ng naturang pagsusulit.

Pumangalawa naman si Louie Liza Lee Licsi ng University of Perpetual Help System (85.4), at sinundan nina Christian Jay Torres Crisostomo ng Metropolitan Medical Center Colleges of Arts, Science and Technology (84.2), Winston Buenavista Guevarra ng Perpetual Help College of Manila (84), at Harlene Jane Poniente Fernandez ng St. Dominic College of Science and Technology-Olongapo (83.80).­

Ang pagsusulit ay ibinigay sa Abu Dhabi at Dubai, United Arab Emirates, al Ahmadi, Kuwait; Al-Khobar, Jeddah at Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia; Doha, Qatar; Manama, Bahrain at Singapore.