Mga housing project ininspeksyon ng DHSUD, SHFC

Jun I Legaspi Jun 11, 2023
110 Views

NAGSAGAWA ng inspeksyon sina Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Rizalino Acuzar at Social Housing Finance Corporation (SHFC) president Federico Laxa sa mga housing project sa Pampanga sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing (4PH) Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sinilip nina Acizar at Laxa ang mga ginagawang housing unit sa Crystal Peak Homes sa Barangay Del Carmen sa San Fernando City.

Itatayo sa walong hektaryang lupa ang 30 condominium-type 12-story building. Aabot sa 8,300 unit na may sukat na 25 hanggang 28 metro kuwadrado ang magagawa sa naturang proyekto.

“These site inspections help us monitor the actual situations on the ground, helping us not only to ensure the smooth and continuous implementation of the program but more importantly, assess the needs and propose improvements,” ani Acuzar.

Nagpasalamat ang kalihim sa mga tumulong upang maging posibleng ang proyekto.

Sa ilalim ng 4PH matatayo ang gobyerno ng 1 milyong bahay kada taon upang matapos ang 6.5 milyong housing backlog ng bansa sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Marcos.

Ang DHSUD ay lumagda na sa mahigit 140 memoranda of understanding para magawa ito.