Chaka pero habulin ng babae
Jan 22, 2025
Grade 8 dinaliri, hinalay ng 24-anyos na helper
Jan 22, 2025
Meralco hiniling magbigay ng mas malaking refund
Jan 22, 2025
Lalaki dumayo, gumala ng may dalang baril, arestado
Jan 22, 2025
Kelot na walang habas na nagpaputok ng baril, timbog
Jan 22, 2025
Calendar
Nation
Nagtapos sa UP nanguna sa interior designer licensure exam
Peoples Taliba Editor
Jul 27, 2022
225
Views
ISANG nagtapos sa University of the Philippines (UP) Diliman ang nanguna sa interior designer licensure examination na isinagawa noong unang linggo ng Hulyo.
Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC) si Ira Louise Cayanan ay nakakuha ng rating na 88.25%.
Sumunod naman si Patrick Joshua Uy ng University of Santo Tomas na nakapagtala ng 86.85%, at pumangatlo si Ma. Patrisha Casalme ng Polytechnic University of the Philippines na nakakuha ng 86.50%.
Pang-apat naman si Racquel Christine Lim ng UP na nakakuha ng 86.40% at panglima si Lara Mindy Villaluz ng Philippine School of Interior Design (85.40%).
Ayon sa PRC, 405 ang kumuha ng exam at 256 ang pumasa.
Ang UP Diliman ang top performing school at 26 sa 28 examinees ang pumasa.
Mga senador binawi suporta sa SB 1979
Jan 22, 2025
Serbisyo mapapabilis, mas gaganda sa E-governance
Jan 22, 2025