Smoke source: DPWH

Nakakalanghap ng delikadong usok mula Navotas landfill hiniling protektahan; mga may sala gustong panagutin

26 Views

Eco

Eco1
SOURCE: Ecowaste Coalition

HABANG papalapit ang paggunita ng Earth Day 2026, nananawagan ang iba’t ibang environmental at health groups ng mas masusing imbestigasyon sa patuloy na pagbuga ng makapal at delikadong usok mula sa nasunog na Navotas Sanitary Landfill.

Nasunog ang tinatayang 40-ektaryang dumpsite noong Abril 10 at hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang paglabas ng usok na nakaapekto na sa kalidad ng hangin sa Metro Manila, pati sa ilang bahagi ng Bulacan at Bataan.

Ayon kay Dr. Geminn Louis Apostol ng Ateneo School of Medicine and Public Health, nananatiling seryoso ang sitwasyon at hindi lang limitado sa Navotas ang epekto nito.

“The situation is serious, it is not yet resolved, and it is not confined to Navotas. The communities that need protection most are those who have been breathing this air the longest, and who had the fewest choices about doing so,” aniya.

Dagdag pa niya, mas lumala pa umano ang air quality nitong mga nakaraang araw batay sa datos ng mahigit 90 monitoring sensors.

“The worst readings we have recorded were not during the fire; they were recorded this week,” saad niya.

Sa ulat ng mga eksperto, matinding tama ang hilagang bahagi ng Metro Manila, partikular sa Caloocan at Valenzuela, kung saan halos 85% ng monitoring period ay nasa mataas na antas ng polusyon.

Binigyang-diin din na hindi lamang PM2.5 ang dapat ikabahala dahil ang sunog sa landfill ay naglalabas ng mas komplikadong kemikal tulad ng carbon monoxide, volatile organic compounds, at posibleng dioxins at furans.

“These are not captured by our sensors, and their presence cannot be ruled out,” paliwanag ni Apostol.

Samantala, iginiit ng EcoWaste Coalition na dapat papanagutin ang mga may responsibilidad sa insidente.

“At the same time, we urge the authorities to identify and hold parties in both the public and private sectors accountable for this toxic threat to human health,” ayon kay National Coordinator ng EcoWaste Coalition Aileen Lucero.

Dahil sa patuloy na panganib, pinapayuhan ang publiko na manatili sa loob ng bahay, magsuot ng N95 mask kung lalabas, at iwasan ang matagal na exposure lalo na ang mga bata, matatanda, at may sakit.

Patuloy ang panawagan ng mga grupo para sa transparent at mas malawak na imbestigasyon upang maprotektahan ang kalusugan ng mga apektadong komunidad.