Mag-ingat sa pagdaan malapit sa Mt. Kanlaon–CAAP
May 13, 2025
LANDSLIDE PANALO
May 13, 2025
Calendar

Nation
Nakararaming Pinoy aprub, tiwala kina PBBM, VP Sara
Peoples Taliba Editor
Nov 30, 2022
253
Views
MAYORYA ng mga Pilipino ang aprub at tiwala sa ginagawa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ayon sa survey ng OCTA Research.
Batay sa resulta ng Tugon ng Masa survey ng OCTA, 86 porsyento ang nakuhang trust rating ng Pangulo at 78 porsyento naman ang performance rating nito.
Nasa 4 porsyento lamang umano ang distrust rating ng Pangulo at 5 porsyento naman ang hindi aprub sa kanyang pamamahala.
Samantala, si Vice President Sara Duterte ay nakakuha naman ng 86 porsyentong trust rating at 80 porsyentong approval rating.
Ginawa ang survey mula Oktobre 23 hanggang 27 at kinuha ang opinyon ng 1,200 adult respondents.
PNP: Halalan payapa, ligtas, walang insidente
May 13, 2025
PBBM: Maraming salamat sa tiwala sa Alyansa
May 13, 2025