Batangas

Nalikom para a 50th Batangas Alay Lakad umabot ng P1.5M

119 Views

UMABOT sa P1.5 milyon ang nalikom sa 50th Batangas City Alay Lakad na may temang “Hakbang para sa gintong kinabukasan” sa Batangas City noong Biyernes.

Taunan ang Alay Lakad para sa Kabataan na nagsimula noong 1974. Taong 1991 ng isinalin ang proyekto sa mga Local Government Units (LGU).

Isang audio visual presentation ang ipinalabas tampok ang mga benepisyaryo ng tulong puhunan, scholarship grants, out-of-school-youth trainings at livelihood trainings na ilan lamang sa mga proyektong naipatupad ng Alay Lakad sa ilalim ni dating Punong lungsod Eduardo Dimacuha.

Nauna rito, humigit kumulang sa 1000 katao mula sa iba’t-ibang sektor ang lumahok sa event na nagsimula sa provincial capitol na nagtapos sa Batangas City Sports Coliseum.

Sa kanyang mensahe, hiniling ni Mayor Beverley Dimacuha sa mga beneficiaries ng Alay Lakad na huwag sayangin ang tulong na nakamit at pinayuhang magpursigi upang maabot ang kanilang mga pangarap.

Kapwa nag pledge ng P100,000 sa Alay Lakad si Mayor Dimacuha at Congressman Marvey Marino.

Nagpaabot ng taos pusong pasasalamat ang pangulo ng Executive Committee ng Alay Lakad na si Eloisa Portugal at binigyang diin na makakaasa ang lahat ng sumuporta sa Alay lakad na makakarating sa mga beneficiaries ang lahat ng pondong nalikom ng Lupon.

Nagkaroon din ng ceremonial distribution ng allowance para sa 34 scholars ngayong taon. Highlight ng pagtitipon ang pagpili sa Mutya ng Alay Lakad 2024 ang grade 12 student na kinatawan ng University of Batangas na si Althea Nicolas Salva.

Nanalo namang 1st runner up ang representative ng DepEd at 2nd runner up ang pambato ng Batangas Medical Center.