Isko Ang mga suspek sa panghoholdap mula sa Tondo at Paco, Manila na natimbog ng mga pulis at iniharap kay Manila Mayor Francisco Isko Moreno at MPD Chief P/BGen. Arnold Santiago Manila City Hall. JONJON C. REYES

Nanay isinuko 2 suspek sa panghoholdap

Jon-jon Reyes Apr 27, 2026
52 Views

Isko1

DALAWANG suspek sa pananaksak sa Road 10, Manila ang isinuko ng kanilang ina at iniharap nina Manila Mayor Francisco Isko Moreno Domagoso at MPD Director P/BGen. Arnold Santiago sa publiko.

Sa programang Talk to the People ni Yorme Isko unang iniharap ang dalawang holdaper na nanaksak pa ng biktima pero nahuli ng mga pulis ng MPD Police Station 2 at 12 sa pamumuno nina P/Lt. Col. Gilbert Cruz at P/Lt. Col. Felimon Cacap.

Naaresto ng mga operatiba ng MPD Delpan Police station at Moriones Police ang mga suspek dahil sa panghoholdap at saksakin ang truck driver noong Sabado sa Road 10, Tondo.

Ayon sa may ari ng truck na si alyas Tet, tinangkang holdapin ng mga suspek na sina alyas Cesar at Aldrin ang biktima pero humantong sa pananaksak habang nakasakay siya sa truck kasama ang biktima.

Samantala, isang Child Conflict with the Law (CICL) ang isinuko ng kanyang ina sa himpilan ng MPD Delpan Police noong Huwebes matapos ang panghoholdap sa isang babae sa Road 10.

Kinumpirma ng ina ng suspek na anak niya ang nagholdap sa nasabing video at agad niyang isinuko ang nakuhang cellphone sa mga awtoridad.

Nagsagwa ng follow up operation ang mga pulis sa pamumuno ni Police Capt. Edgar Julian, hepe ng Paco PCP.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel June Paolo Abrazado, bandang alas-2:30 ng madaling araw ng masakote ang suspek na si alyas Isagani.