Yosi Ang narekober na sigarilyo mula sa suspek matapos maaresto sa Quiapo, Manila.

Senior citizen rumaket sa pagbenta ng iligal na sigarilyo, arestado

Jon-jon Reyes Apr 27, 2026
130 Views

Yosi1ARESTADO ng mga miyembro ng Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT)-MPD ang 60-anyos na babae dahil sa pagbebenta ng mga ilegal na sigarilyo sa Arlegui St., Quiapo, Manila noong Lunes.

Nakilala ang suspek na alyas Ahmida, ayon sa report ng (SMaRT) sa pangunguna ni P/Capt. Agapito Yadao Jr. sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Lt. Col. Edward Samonte.

Nahuli ang suspek dahil sa paglabag sa RA 10643 (Graphic Health Warning) at nabawi sa kanya ang 2 master Case na naglalaman ng 100 reams ng Oris green cigarettes na may tinatayang halagang P100,000.

Personal na makipag transaksyon ang mga operatiba ng SMART sa suspek kasama ang confidential informant para magsagawa ng test buy operation.

Humingi ang mga operatiba ng anumang valid regulatory permit ngunit nabigo ang suspek na magpakita ng anuman na humahantong sa pagkakaaresto sa kanya at tuluyang makuha ang ebidensya.