QC cops humataw; 193 suspek sa krimen inaresto

66 Views

UMABOT sa 193 suspek sa iba’t ibang krimen ang naaresto ng mga miyembro ng Quezon City Police District (QCPD) sa loob ng isang linggo, ayon kay QCPD Director P/BGen. Randy Glenn Silvio.

Naganap ang sunud-sunod na operasyon mula Abril 19 hanggang 25, 2026, na nagresulta sa pagkakadakip ng 71 drug suspek, 76 wanted persons, 41 illegal gamblers at lima katao na sangkot sa illegal possession of firearms.

Sa 46 anti-drug operations, nasamsam ang tinatayang P2.78 milyong halaga ng ilegal na droga.

Nadakip din ang 23 most wanted persons at 53 pang wanted persons.

Narekober sa tatlong anti-illegal firearms operations ang limang baril at nasamsam ang P15,070 na taya sa 23 anti-illegal gambling operations.

Sinampahan na ng kaukulang kaso ang mga naaresto sa Quezon City Prosecutor’s Office.

“Patunay ang mga operasyong ito ng matibay na koordinasyon at dedikasyon ng ating kapulisan.

Mananatili kaming masigasig sa laban kontra kriminalidad upang matiyak ang kaligtasan ng publiko,” sabi ni Silvio.