Blanco

Nangangailangan tinutulungan ng bokal sa Batangas

32 Views

DATI nang namimigay si Board Member Arthur Blanco ng wheelchair, nebulizer, BP monitor, adult walker, crutches at wooden cane sa mga nangangailangan sa Batangas City.

“Nagpapasalamat po ako sa ating mahal na Gob. Hermilando Mandanas sa pag-apruba ng mga project proposals ko para sa inyo,” sabi ng pulitiko.

Nagpasalamat siya sa mga nagbibigay ng donasyon, mga taong nais ring tumulong at bigyan ng kaalwanan ang buhay ng mga nahihirapan at nangangailangan.

“Hangga’t may mga kababayan tayong nangangailangan patuloy po tayong kikilos,” ayon sa bokal.