Calendar
Arestado ang suspek sa karnap matapos mabigong itakbo ang motorsiklo sa Sampaloc, Manila.
Nangarnap ng motor, tiklo
ARESTADO ang isang binata ng mga operatiba ng Manila Police District Station 4 sa bigong pagkarnap sa motorsiklo sa San Diego St. corner Calamba St., Brgy. 500, Zone 49, Sampaloc, Manila noong Lunes.
Nakilala ang suspek na si alyas Ricky, 23.
Naispatan ang suspek sa bintana na ninakaw ang motorsiklo ng biktimang si Erwin Lumibao, 46, dakong alas-3:40 ng madaling araw.
Hinabol ng ilang saksi ang suspek subalit ng maaabutan nabiglang bumunot ng patalim at tinakot ang saksi.
Papatakas na ang suspek pero sa kabutihang palad, nakita ng mga bystanders ang kaguluhan kaya nasukol ang suspek.
Rumesponde sina Pat. Joshua Rufino Salud, Pat Jehan Mendoza kaya tuluyang naaresto ang suspek at nabawi ang Yamaha Mio na ninenok nito.
Itinurn-over siya sa Sampaloc police station para sa karagdagang imbestigasyon.

