Posas

Nanghalay nahuli sa Batangas

Alfred Dalizon Sep 9, 2025
249 Views

NADAKIP ng pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police at Philippine Coast Guard ang suspek sa kasong rape by sexual assault sa Bicol sa manhunt sa Calatagan, Batangas, ayon kay Police Regional Office (PRO)-5 director, Brigadier General Nestor C. Babagay Jr. noong Martes.

Nahaharap sa 21 counts ng attempted qualified rape of a minor ang suspek, ayon sa report.

Nahuli ang suspek ng Rapu-Rapu police, Regional Intelligence Division PRO-5, at Albay Provincial Intelligence Unit.

“Pinatutunayan ng operasyong ito na saan man magtago ang mga pugante, walang tigil silang tutugisin ng Philippine National Police hanggang maihatid ang hustisya. Ito ang aming pangako—ang protektahan ang mga biktima at tiyaking ligtas ang ating mga komunidad,” ayon kay PNP chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr.