Tulfo

Nanghihingi ng pera kapalit ng tulong pinansyal mula sa DSWD arestado

234 Views

ARESTADO ang isang lalaki na nanghihingi umano ng pera kapalit ng pagpasok sa pangalan ng kanyang biktima sa iba’t ibang financial assistance program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Iprinesinta ni DSWD Region 10 director Mari-Flor Dollaga ang suspek na si Jay Lagrimas kay DSWD Secretary Erwin Tulfo sa isang virtual briefing ngayong Miyerkoles, Hulyo 20.

Si Lagrimas ay nahuli umano sa joint entrapment operation ng Philippine National Police (PNP) at DSWD sa Barangay Balulang, Cagayan de Oro.

Nagpapakilala umano ang suspek na tauhan ng DSWD- National Capital Region.

Humihingi umano ang suspek ng P500 para sa pagpasok ng pangalan sa mga benepisyaryo ng education assistance at P300 para sa pagpasok sa Social Amelioration Program (SAP).

Ayon kay Tulfo ang grupo ni Lagrimas ay nakapangolekta na ng P1.2 milyon.

Si Lagrimas umano ang mastermind ng grupo at mayroon pa itong limang kasamahan na taga-Tondo, Caloocan, at Cavite.