license exam

Nanguna sa license exam ng bagong doktor inilabas ng PRC

Chona Yu Oct 19, 2024
59 Views

AABOT sa 3,845 na bagong doktor ang nakapasa sa October 2024 Physicians Licensure Examination.

Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC), mula sa 6,600 examinees, 3,845 ang nakapasa o katumbas ng 58.26 percent.

Nabatid na si Isaac Edron Jones, mula sa Davao Medical School Foundation ang naging top 1 matapos makakuha ng 89.33 percent na passing rate.

Pumangalawa naman si Rolter Lorenz Mispeñas Lee mula sa University of Santo Tomas na nakakuha ng 89.25 percent habang pumamgatlo si Jerickson Rodney Ngo Cua ng University of the Philippines Manila na may 89.17 percent.

Pinangasiwaan ng Board of Medicine ang October 2024 PLE at isinagawa sa National Capital Region (NCR), Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi, Lucena, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao, at Zamboanga.

Sisimulan ng PRC ang registration para sa issuance ng Professional Identification Card (ID) at Certificate of Registration sa Nobyembre 25 sa pamamagitan ng online.