Calendar
Naoospital dahil sa COVID-19 posibleng dumami sa Agosto
POSIBLE umano na tumaas ang mga kaso ng severe at critical COVID-19 case sa Agosto dahil sa pagbaba ng immunity at hindi pagsunod sa health protocol.
Ayon sa Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire maaari itong mangyari batay sa scenario na mayroong transmissible variant ng COVID-19 na makakapasok sa bansa habang kumokonti ang nagpapa-booster shot at dumarami ang hindi sumusunod sa health protocol.
Sa kasalukuyan ay mayroong 489 severe at critical case ng COVID-19 sa bansa.
“Lagi natin sinasabi, these are projections hindi po ito cast in stone na necessarily ay mangyayari talaga. Itong projections na ito ay ginagawa para makapag prepare tayo,” paliwanag ni Vergeire.
Nanawagan muli si Vergeire sa mga kuwalipikado na magpa-booster shot na at sa mga hindi pa nagpapabakuna na magpabakuna na.
Inirekomenda rin ni Vergeire na panatilihin ang pagsusuot ng face masks hanggang sa katapusan ng taon.