FALCONI

Napakaraming problema ng mga OFWs tututukan ng OFW Party List

Mar Rodriguez Jun 13, 2023
205 Views

FALCONIFALCONIFALCONIFALCONITINIYAK ng OFW Party List Group na sa pagbubukas ng 2nd Regular Session ng Kamara de Representantes tututukan nito ang napakaraming problemang kinakaharap ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Sinabi ni OFW Party List Congresswoman Marissa “Del Mar” P. Magsino na napakalaki ng problemang kinakaharap ng mga manggagawang Pilipino sa abroad kaya malaki rin aniya ang kailangang punuan para sa kanilang mga pangangailangan partikular na ang kanilang kaligtasan o safety.

Sa panayam ng People’s Taliba, nabatid kay Magsino na may ilang issues ang kinakailangang pagtuunan ng pansin ng pamahalaan para sa kapakanan at kagalingan o welfare ng mga OFWs kabilang na dito ang pagpapatibay sa Labor Protections Laws para sa proteksiyon ng mga OFWs.

Ipinahayag pa ni Magsino na kailangang lalo pang paigtingin ng gobyerno ang pagpapatupad ng mga batas para sa mga OFWs upang matiyak na napo-protektahan ang kanilang karapatang pantao, nabibigyan sila ng karapatan para sa patas na paglilitis at pagpa-panagot sa mga illegal recruiters.

“Government should continue to improve labor laws and regulations to ensure the protection of OFWs rights, fair treatment and access to legal remedies. Enforcement mechanism needs to be strengthened to hold employers and recruitment agencies accountable for any violations,” ayon kay Magsino.

Sinabi pa ng OFW lady solon na tututukan din nila upang magkaroon ang bawat ahensiya ng pamahalaan ng tinatawag na “support services” para serbisyuhan ang mga OFWs kabilang dito ang accessing legal assistance, health care, counselling at repatriation services kung kinakailangan.

“Government and relevant agencies can establish and enhance support services for OFWs. Including assistance in accessing legal aid, healthcare, counselling and repatriation services when needed. These services should be readily available and easily accessible to address the specific needs of OFWs,” sabi pa ni Magsino.

Samantala, nakiisa naman ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Region 3 sa pangunguna ng Regional Director nito na si Atty. Falconi “Ace” V. Millar sa inilunsad na “clean up drive” ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Region 3 sa lalawigan ng Pampanga.

Sinabi ni Atty. Millar na layunin ng nasabing programa na mahikayat ang iba pang ahensiya ng pamahalaan sa Pampanga na mapanatili ang kalinisan hindi lamang sa kani-kanilang lugar kundi maging ang kalinisan ng buong gobyerno mismo laban sa pagkakalat o pagtatapon ng mga basura.

Ipinabatid pa ni Millar na ang isinagawa nilang cleanup drive ay kasabay ng pagdiriwang “Philippine Environment Month” ngayong buwan ng Hunyo alinsunod sa itinatakda ng Proclamation No. 237 Series of 1988 na nagsusulong ng pakikilahok ng publiko para sa proteksiyon ng ating kalikasan.