Napolcom

Napolcom magbibigay ng PESE certificates

Jun I Legaspi May 9, 2025
13 Views

MAGBIBIGAY ang National Police Commission (NAPOLCOM) ng Police Executive Service Eligibility (PESE) Certificate sa 209 na Police Commissioned Officers (PCOs) mula sa iba’t-ibang tanggapan ng pulisya.

Ang paggagawad kasunod ng matagumpay na pagpasa sa dalawang yugto ng proseso ng PESE.

Ang unang yugto ginanap noong Nobyembre 23, 2024 sa mga testing centers sa Luzon, Visayas at Mindanao kung saan 207 ang nakapasa.

Ang ikalawang yugto isinagawa noong Marso 22-23 at 29-30, 2025, sa NAPOLCOM Central Office.

Sa 335 na kandidato, 209 o 62.39% ang nakapasa.

Ang bawat kandidato sumailalim sa masusing pagsusuri ng isang panel na binubuo ng isang opisyal ng NAPOLCOM, isang nakatataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) at isang kinatawan mula sa alinman sa sektor ng lipunan, akademya o isang ahensya ng pambansang pamahalaan.

Ang PESE isang kinakailangang eligibility test para sa pagtatalaga sa ikatlong antas ng ranggo ng Police Colonel, Police Brigadier General, Police Major General, Police Lieutenant General at Police General alinsunod sa NAPOLCOM Resolution No. 2006-082.

Ang programang ito idinisenyo upang suriin ang analitikal, pamumuno at mga pagpapahalagang kakayahan ng mga nakatataas na opisyal ng pulisya upang matiyak ang isang hanay ng mga kwalipikadong kandidato para sa mga matataas na posisyon sa PNP.