Just In

Calendar

June 2026
M T W T F S S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  
HPG

NAPOLCOM pinuri ang PNP-HPG

Jun I Legaspi Dec 18, 2025
277 Views

PINURI ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) dahil sa aksyon nito sa pananakit at pagbabanta na kinasasangkutan ng commissioned officer sa HPG parking lot sa Camp Crame noong Disyembre 16.

“Buong kumpiyansa kami sa maagap na aksyon ng PNP-HPG upang disiplinahin ang kanilang tauhan. Nakatitiyak ang Komisyon na kikilos ito sa oras na pormal na isampa sa NAPOLCOM ng PNP ang kaso,” sabi ni NAPOLCOM chief Ralph Calinisan

Ipinag-utos ni P/BGen. Hansel Marantan, hepe ng PNP-HPG, ang dokumentasyon ng kaso at ang komprehensibong imbestigasyon sa insidente.

Na-relieve na sa puwesto ang sangkot na police colonel at inilipat sa Human Resource Management and Doctrine Development Division-PNP Headquarters Administrative Service (HRMDDD–PHAS).

Inatasan ang bagong talagang Chief ng Investigation Management Division (IMD) na tukuyin ang pagkakaroon ng probable cause at simulan ang pagsasampa ng kaukulang administratibo at kriminal na reklamo alinsunod sa NAPOLCOM Memorandum Circular No. 2016-002.

Sangkot sa insidente ang dating chief ng HPG Investigation Management Division at isang patrolman mula sa Regional Highway Patrol Unit–National Capital Region (RHPU–NCR) Intelligence Branch.

Nag-ugat ang alitan sa hindi awtorisadong pagparada. Ayon sa biktima, siya ay tinadyakan, tinutukan ng baril at pinalo sa ulo at itaas na labi gamit ang puwitan ng baril.

Nakumpirma ang tinamong pinsala sa pamamagitan ng medico-legal examination.

Muling iginiit ng NAPOLCOM ang kahandaang makipagtulungan sa PNP upang matiyak na nasusunod ang due process at naipapatupad ang pananagutan, bilang bahagi ng pagpapanatili ng tiwala ng publiko sa mga institusyong pangkautusan.