BBM Larawan: Bongbong Marcos/FB

‘Nasan ang apo?’ — PBBM sa birong birthday message kay Cong. Sandro

118 Views

MAY sweet at pabirong mensahe si Bongbong Marcos para sa anak na si Sandro Marcos sa pagdiriwang ng kaarawan nito.

Sa social media post ng Pangulo, ipinahayag niya ang pagmamalaki sa anak na ngayon ay isa nang lider at lingkod-bayan.

“To my son Sandro,

We are so proud of the good man you have become. Who would have known that our little child would grow into such a kind, industrious and talented man?” ani Marcos.

Pero sa dulo ng mensahe, may pahirit ang Pangulo na agad kinaaliwan ng netizens.

“On a final note… where’s my apo? Happy birthday, son!”

Marami ang natuwa sa pagiging light at makuwelang side ng Pangulo, lalo’t bihira itong magbahagi ng personal na mensahe sa publiko.

Kalakip ng post ang isang collage ng mga lumang larawan ng mag-ama — mula pagkabata ni Sandro hanggang sa pagiging aktibong katuwang ng Pangulo sa mga opisyal na gawain.

Umani ng libo-libong reactions ang naturang post, kung saan bumuhos ang pagbati ng supporters para sa kaarawan ni Sandro at napansin din ang pagiging hands-on na ama ng Presidente.