Calendar

Nasayang na malaking pondo para sa Doña Carmen, QC ikinalungkot ni Suntay
IKINALULUNGKOT at ikinadidismaya ni incoming Quezon City 4th District Representative Bong Suntay ang nasayang na malaking pondo na inilaan para sa pagpapagawa ng Multi-purpose hall at basketball court para sa mga residente ng Barangay Doña Imelda.
Sinabi ni Suntay na labis nitong ikinalungkot na sa kabilang ng kaniyang naging pagsisikap noong nakaraang 18th Congress para makapag-patayo ng Multi-purpose Hall at basketball court katuwang si congressmanEric Yap ay nabalewala ang lahat ng ito.
Ipinaliwanag ng kongresista na sa loob ng mahabang panahon ay hindi umano napakakinabangan ang nasabing estraktura at hinayaan lamang itong nakatiwangwang sa halip na maggamit para sa pagsasagawa ng mga sports activities at community gatherings.
Dahil dito, pagbibigay diin ni Suntay na ikinadidismaya din nito ang pagwawalang-bahala sa Multi-purpose at basketball court sa kabila ng multi-milyong piso ang inilaan para sa pagpapatayo nito na magbibigay ng malaking pakinabang para sa mga residente.
Ayon pa kay Suntay, sa muling pagsasa-ayos o restoration ng naturang pasilidad. Malaking pondo na naman ang kinakailangan ilaan para sa pagpapagawa nito dahil ang ilan sa mga pasilidad nito ay nasira narin bunsod ng matagal na hindi paggamit dito.
“Nakakalungkot isipin na hanggang ngayon ay hindi parin ito napapakinabangan ng taongbayan at ang masaklap pa, may mga sira narin ang pasilidad dulot ng hindi paggamit nito. Malaking pondo para naman ang inilaan para dito,” wika ng mambabatas.
Tiniyak naman ng QC solon na sisikapin nitong makapaglaan ng pondo sa papasok na 20th Congress upang maipagawa at maibalik sa dating ayos ang pasilidad kabilang na ang pagkakaroon ng iba’t-ibang mga proyekto para sa mga residente ng Barangay Doña Imelda.
To God be the Glory