Obrero tinodas; 2 suspek laglag
May 9, 2025
MMDA nagbukas ng bagong MBRS
May 9, 2025
Napolcom magbibigay ng PESE certificates
May 9, 2025
Calendar

Metro
Natiklo sa droga, arestado uli sa carnapping
Jon-jon Reyes
Feb 10, 2025
161
Views
NASA likod na ng malamig na rehas, naaresto pa uli sa kasong carnapping ang 38-anyos na lalaki sa Manila City Jail male dormitory sa Sta. Cruz, Manila noong Lunes.
Nakilala ang suspek ng mga miyembro ng Manila Police District-Delpan Police Station 12 na si alyas Melandro.
Ayon kay Police Lieutenant Ferdinand Omli, ng Intel Warrant Section ng MPD Delpan Police Station 12, bandang alas-9:30 ng umaga ng damputin ang suspek sa nasabing kulungan.
Naaresto ang suspek base sa warrant of arrest dahil sa kasong paglabag sa RA 10883 (carnapping) na inisyu ni Judge Edgardo Cruz Saplala, Presiding Judge ng RTC Branch 33 ng Manila.
Nakakulong na ang suspek dahil sa kasong frustrated homicide at ilegal na droga ng muling arestuhin.
MMDA nagbukas ng bagong MBRS
May 9, 2025