Louis Biraogo

Natutuyong mga balon sa gitna ng unos: Apo Aqua pumalya sa Davao City

275 Views

SA gitna ng Davao City, isang kuwento ng dalawang sakuna ang nagaganap, na nag-iiwan sa mga residente sa dalamhati at pagkabigo. Habang bumubuhos ang malakas na ulan sa mga mabababang lugar, lumilitaw ang isang kabalintunaan: habang ang ilan ay nalulunod sa tubig-baha, ang iba ay nauuhaw sa kawalan ng kahit isang patak ng inuming-tubig. Ang malupit na kabalintunaang ito ay naglalantad sa kabiguan ng mga pangako na ginawa ni Apo Aqua, na naglubog sa lungsod sa kaguluhan at kawalan ng pag-asa.

Sa gitna ng delubyo, gumiray-giray ang Davao City Water District (DCWD), baldado dahil sa pagtigil ng bultohang suplay ng tubig. Si Apo Aqua, ang kamakailang binanggit na tagapagligtas, ay inakusahan na ngayon ng maling mga pag-aangkin at ampaw na mga pagyayabang. Ang mataas na antas ng paglabo ng tubig sa Tamugan River, na bunsod ng walang humpay na pagbuhos ng ulan, ay naglantad sa pagkawalang-laman ng mga engrandeng mga proklamasyon ng Apo Aqua sa kahusayan nito sa teknolohiya.

Sa bawat araw na lumilipas, lumalala ang matinding paghihirap habang ang mga kabahayan sa matataas na lugar ay nahaharap sa isang malupit na katotohanan: ang pasulput-sulpot lamang na suplay ng tubig ay nagiging isang luho, habang ang napakataas na antas ng bayarin sa gayung serbisyo ay walang tigil ang pagtaas. Ang dating Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner na si Charles Raymond Maxey ay nagpahayag ng sama-samang paghihirap, na tinutuligsa ang pagkasira ng mga serbisyo sa kabila ng pagtaas ng singil. Ang patsada ng pag-unlad ay gumuho, inilalantad ang masaklap na katotohanan ng mga nasirang mga pangarap at nadurog na mga pag-asa.

Sa mga pasilyo ng kapangyarihan, si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.ay nagmamadaling nagpalabas ng mga direktiba, humihiling ng mabilis na aksyon mula sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno. Ang multo ng kaguluhan ay nagbabadya habang ang kakulangan ng tubig ay nagbabanta na magpakawala ng mga bagabag sa lupa. Gayunpaman, sa gitna ng kaguluhan, may isang kislap ng pag-asa sa pagtataguyod ni Marcos ng pagbubukas ng Davao City Bulk Water Supply Project. Ang tanglaw ng pangako na ito, na isinilang mula sa pakikipagsosyo ng DCWD at Apo Aqua, ay humahawak sa susi ng kaligtasan.

Ngunit kahit na ipinagdiriwang ni Marcos ang tagumpay na ito, ang anino ng pag-aalinlangan ay malakas na nagbabadya. Ang kasaysayan ng mga nasirang pangako at pansamantalang pagsasara ay naghahagis ng maitim na kulumbong sa pagdiriwang. Ang mga tao ay humihingi ng pananagutan, hindi lamang mga ampaw na pambobola. Ang mga parusa ay dapat mabilis na ipataw, at ang mga mabibigat na kasalanan ng kapabayaan at grabeng pagkukulang ay dapat matugunan ng matinding kaparusahan. Ang sagradong pagtitiwala sa pagitan ng pamahalaan at pinamamahalaan ay nananatili sa balanse, na nakatali sa bingit ng pagtataksil.

Habang ang lungsod ay nakikipagbuno sa kawalan ng katiyakan, ang mga residente ng Davao City ay dapat na magkaisa sa harap ng kahirapan. Ang pagbabantay ay nagiging ating kalasag, at pagkakaisa ang ating espada. Hingin natin ang aninaw at pananagutan mula sa mga pinagkatiwalaan natin ng ating kapakanan. Panagutin natin si Apo Aqua at ang mga katuwang nito, hindi lamang ang mga salita, kundi ang mga konkretong hakbang ang hahabulin natin.

Sa kadiliman ng kawalan ng pag-asa, lumitaw ang Isang kislap ng pagkakataon: ang katatagan ng diwang Pilipino. Gamitin natin ang lakas na ito, na muling magbubuo ng landas sa gitna ng kahirapan. Taglay ang pagkakaisa at determinasyon, malalampasan natin ang mga pagsusubok na ito. Sapagkat sa bandang huli, hindi ang delubyo ng kawalan ng pag-asa ang magtatakda sa atin, kundi ang lakas ng loob na bumangon dito.