Tiangco Pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco ang paglagda sa memorandum of agreement para sa pagkakaloob ng scholarship sa mga may talentong estudyante sa larangan ng sining. Larawan; edd reyes)

Navotas may baong hanay ng art scholars

Edd Reyes Nov 18, 2024
39 Views

PORMAL ng ini-anunsiyo ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang panibagong hanay ng mga estudyanteng mabibigyan ng scholarship sa ilalim ng NavotaAs Arts Scholarship Program para sa school year 2024-2025.

Lumagda na ang alkalde sa memorandum of agreement upang mapagkalooban ang 15 matatalinong mga batang Navoteños ng scholarship dahil sa kanilang ipinamalas na kakaibang galing sa sining matapos ang mahigpit na proseso ng pagpili.

Bahagi ito ng pangako ni Mayor Tiangco na magkaroon ng pagkakataon ang mga kabataang Navoteños na mabigyan ng karapatang maipakita ang kanilang husay sa larangan ng sining.

“The NavotaAs Arts Scholarship Program is our way of ensuring that financial limitations will not hinder our youth from pursuing their artistic dreams. By supporting these young artists, we are not only investing in their future but also enriching our city’s cultural heritage,” pahayag ng alkalde.

Ang bawa’t isang iskolar ay tatanggap ng P16,500 para sa pagkain at pamasahe at P20,000 para sa kanilang pagsasanay kada scholarship term.

Mula nang ilunsad ang NavotaAs Scholarship noong 2011, mahigit 1,000 estudyante na at guro ang naging benepisyaryo ng naturang programa, hindi lang sa larangan ng sining kundi maging sa matatalinong estudyante at mga may kakayahan sa palarong pampalakasan.