AFP2

Navy Reception para sa San Francisco Fleet Week dinaluhan ni PCG-SF Talisayon

19 Views

SAN FRANCISCO — All-out ang suporta ng Philippine Consulate General-San Francisco (PCG-SF) sa ginanap na Navy Reception para sa San Francisco Fleet Week kamakailan.

Si Consul General Arnel Talisayon ang dumalo sa pagtitipon.

Nakasama ni Talisayon ang mga matataas na pinuno ng militar, opisyal ng gobyerno at mga miyembro ng diplomatic corps.

Ang pagdalo ng kinatawan ng PCG-SF ay patunay ng mas matatag na samahan at pangako ng Pilipinas at Estados Unidos sa pagpapanatili ng kapayapaan sa rehiyon, depensang pandagat at ang matagal ng alyansa ng dalawang bansa.