CAAP

Nawawalang Cessna aircraft sa Bicol nahanap na—CAAP

Jun I Legaspi Feb 21, 2023
219 Views

NAHANAP na ang nawawalang Cessna aircraft sa Bicol, ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Makalipas ang ilang pagtatangka sa gitna ng masamang panahon, narating na ng mga tauhan ng CAAP Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board (AAIIB), ang lugar kung saan bumagsak ang bahagi ng nawawalang Cessna 340 (Caravan) aircraft (RP-C2080).

Ang wreckage site ay matatagpuan umano sa kanlurang bahagi ng Mayon Volcano sa pagitan ng taas na 3500-4000 talampakan.

Ginamit sa search and rescue operation ang Philippine Air Force (PAF) Black Hawk helicopter at Philippine Navy AW109 aircraft.

Mayroong 151 Textron Aviation (dating Cessna) na nakarehistro sa CAAP Aviation Records Management Division (ARMD).

Ang bumagsak na eruplano na ginagamit ng Energy Development Corporation (EDC) ay mayroon umanong airworthiness certificate mula sa CAAP.