Santiago1 MUNTIK NA–Iniharap ni NBI Director Jaime Santiago ang Amorsolo painting na narekober mula sa mga naarestong suspek.

Nawawalang obra ni Amorsolo ibinenta ng P3.5M, 2 kelot tiklo

Jon-jon Reyes Jul 13, 2024
182 Views

DALAWANG lalaki ang inaresto ng National Bureau of Investigation-Special Task Force (NBI-STF) sa Quezon City dahil sa pagbebenta ng nawawalang Amorsolo painting noong Huwebes.

Sinabi ni Director Jaime B. Santiago na nakatanggap ng impormasyon ang NBI-STF na ang isang “Atty. Ching” ang nagbebenta ng naturang obra.

Ayon sa suspek, “for sale” ang 1936 ‘Mango Harvesters’ painting ng national artist sa halagang P3.5 milyon.

Ninakaw ng dalawang hindi pa nakikilalang kawatan sa Hofileña Museum sa Silay City, Negros Occidental noong Hulyo 3 ang antique na painting.

Nagsagawa ng entrapment ang mga operatiba ng NBI-STF kaya nahuli ang seller noong Hulyo 11 nang pumunta ang mga NBi operatives sa target area sa Tomas Morato, Quezon City.

Doon idineliver ang Amorsolo painting ng mga suspek na nakilala bilang sina Ritz Chona Ching Castro at Donecio Somaylo Escobia ayon umano sa utos ni Atty. Ching.