Santiago Nagbigay ng pahayag si NBI Director Jaime Santiago kaugnay sa pagkakaaresto sa isang suspek na sangkot sa human trafficking at child exploitation.

NBI-CEVRO dinampot suspek sa pang-aabuso ng mga bata

Jon-jon Reyes Dec 5, 2024
57 Views

INARESTO ng mga agents ng National Bureau of Investigation–Central Visayas Regional Office (NBI-CEVRO) ang suspek sa human trafficking at child abuse kamakailan sa Lapu-Lapu, Cebu.

Kabilang sa mga kaso ng suspek ang paglabag sa Seksyon 4 ng RA 11930 (Anti-Online Sexual Abuse o Exploitation Materials Act); Seksyon 4 ng RA 9208 (Expanded Anti-Trafficking in Person Act of 2012) at Seksyon 9 ng RA No. 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act).

Sinabi ni NBI Director Jaime Santiago nag ugat ang pag-aresto sa referral ng US Homeland Security Investigations (HSI) Office hinggil sa child exploitation activities ng suspek.

Nakuha ng mga operatiba mula sa subject ang tatlong cellular phone na naglalaman ng mga malalaswang larawan ng mga menor-de-edad.