Peke Pinangunahan ni. NBI Director Jaime Santiago ang inspection sa mga halu-halong bigas na binebenta ng mas mahal sa Bocaue, Bulacan. Kuha ni JonJon Reyes

NBI, DTI nang-raid ng bodega ng ‘coco pandan’; 4 tiklo

Jon-jon Reyes Feb 11, 2025
14 Views

NATIMBOG ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) at Department of Trade ang Industry (DTI) ang apat katao na umano’y sangkot sa pag-iimbak ng mga luma at bagong bigas at nire-repack para magmukhang coco pandan at binebenta ng mas mahal sa Bocaue, Bulacan noong Lunes.

Nahuli ang manager, dalawang cashier at isang inventory officer, na mahaharap sa kasong hoarding, adulteration, profiteering, untruthful labeling at economic sabotage, ayon sa mga awtoridad.

Hindi naman alam ng NBI at DTI kung sino ang may-ari ng bodega ng bigas.

Bodega ng Golden City ang na-raid at doon tumambad sa mga awtoridad ang iba’t-ibang variety ng imported na bigas na may label na “Coco Pandan.”

“Pinaghalu-halo nila ‘yung variety ng bigas tapos lalagyan ng konting pabango, pandan at ipa-pass on na nila sa mamahaling bigas. Class A na bigas. Niloloko ang ating mamamayan,” sabi ni NBI Director Jaime Santiago.

Ang modus sa bodega palabasin na mga lokal na produkto ang mga ni-repack upang mas mahal na maibenta pero lumang mga bigas na at puro alikabok na ang mga pinag tanggalan ng sako.