NBI Iniharap sa mga mamamahayag ang mga nadakip na 20 Chinese nationals sa isinagawang press conference sa tanggapan ng NBI.

NBI inaresto 20 Chinese nationals na sabit sa POGO

Jon-jon Reyes Feb 28, 2025
11 Views

INARESTO ang 20 Chinese nationals ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang POGO hub na nagpapatakbo ng love scam at na-rescue ang isa ring Chinese na dinukot sa Parañaque City noong Biyernes.

Iniharap sa mga mamamahayag ni NBI Director Jaime Santiago at NBI-Special Task Force (NBI-STF) ang mga dayuhan na inaresto.

Kabilang sa dinakip ang employer ng kidnap victim na si Liu Zhi Tao alyas Ren Jia, na nahaharap sa karagdagang mga kaso para sa paglabag sa Article 267 (Serious Illegal Detention) ng Revised Penal Code.

Nag-ugat ang operasyon sa sumbong ng asawa ng kidnap victim na nagtrabaho bilang customer service representative para sa isang kumpanya ng POGO na “LWE” sa Aseana 3, West Tower, 8912 Avenue, Paranaque City.

Nadiskubre na sangkot sa online scamming ang naturang POGO. Dahil dito, dinakip ng mga ahente ng NBI ang mga indibidwal na ito.