Calendar

NBI kinalawit Swedish nat’l na suspek sa panghahalay
TIMBOG ang Swedish national ng mga operatiba ng National Bureau of investigation dahil sa 2 counts ng child rape sa Angeles City, Pampanga noong Miyerkules.
Inaresto ang suspek na Heinz Henry Andreas Berglund sa impormasyong natanggap mula sa Swedish Police Authority (SPA) sa pamamagitan ng Homeland Security Investigations (HSI) hinggil sa sinasabing Swedish child sexual offender.
Ilan sa mga biktima ng suspek ang 10-taong gulang na bata sa Sweden noong 2021 at mga naunang kaso na nahatulan siya para sa pandaraya sa pananalapi noong 2009 at 2003.
Ayon sa ulat, dumating ang suspek sa bansa noong Marso 18, 2025.
Binawi na ang pasaporte ng Swedish national matapos makatangap ng impormasyon na pinaghahanap siya sa Sweden.
Pinuri ni NBI Director Jaime Santiago ang mga ahente ng NBI sa pag-aresto sa dayuhang suspek.