Calendar

NBI nakumpiska P.6M vape products na illegal na inangkat
DALAWANG Pilipino at tatlong foreign nationals ang naaresto sa pagsalakay ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation-Cybercrime Division (NBI-CCD) sa lugar na puno ng illegally imported vape products na aabot sa P630,000 sa Marilao, Bulacan; Paranaque City at Pasay City.
Ginanap ang pagsalakay sa pakikipagtulungan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Department of Trade and Industry (DTI), ayon kay Jaime Santiago, direktor ng NBI.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 11900 (An Act Regulating the Importation, Manufacture, Sale, Packaging, Distribution) ang mga naarestong suspek.
Ayon kay Santiago, dahil sa cyber patrolling kaya nadiskubre ang malawakang bentahan ng mga imported na bawal na vape products.
Umaabot sa 85,200 piraso ng salt-nicotine-based vapor products ang nasamsam, ayon sa NBI.
Noong Mayo 21, nakumpiska ng mga tauhan ng NBI-CCD ang 25,000 piraso ng hindi lisensyadong vape products sa Parañaque City.
Nakilala ang mga naarestong dayuhan na sina Jonathan Kher at Jun Xian, mga Singaporean, at Natkrita Pgakhinniphat, isang Thai national.
Sumunod na sinalakay ang isa pang lugar sa Pasay City at naaresto sina alyas Matthew Francisco, Iris Hui at Chinese national na si Jiang Xing.
Sa Parañaque City raid, 72,000 na piraso ng vape products ang nasamsam.