Shabu Humarap sa media ang mga matataas na opisyal ng pamahalaan matapos masabat ang 404.9515 kilos ng shabu na nagkakahalaga sa P2.7 billion sa Las Piñas City. Kuha ni JonJon Reyes

NBI, PDEA nakasamsam ng P2.7B na shabu

Jon-jon Reyes Feb 6, 2025
12 Views

NASABAT ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI), Dangerous Drugs Division (DDD), Organized and Transnational Crime Division (OTCD), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bureau of Customs (BOC) ang 404.9515 kilos ng shabu na nagkakahalaga sa P2.7 billion sa Las Piñas City kamakailan.

Naharang ang mga kargamento ng droga mula sa Karachi, Pakistan, ayon sa report.

Ang operasyon nagresulta sa pagkakaaresto sa mga broker/consignee/facilitator na sangkot sa ilegal na transaksyon.

Ang shipper/exporter ng nasabing cargo ang Ayan Enterprise/Trading & Logistics at Red Shining Consumer Goods Trading ang consignee sa Las Piñas City.

Ang 404.9515 na kilo ng methamphetamine hydrochloride o Shabu nakatago sa loob ng mga kahon ng mga produktong pagkain na idineklara bilang vermicelli at custards at nagkakahalaga ng humigit-kumulang P2.7 billion.

Kinilala ni NBI Director Jaime Santiago ang mga naarestong personalidad na magkasalungat at nakipagsabwatan sa isa’t isa, at gumagamit ng “layering” upang maiwasang makilala sa pag-aangkat, pagdadala ng ilegal na droga sa bansa:

Ang mga naarestong suspek ay sina alyas Oscar Campo Berba (Red Shining/Consignee); Kevin Lee Manuel Arrio (Customs Broker), Richard Perlado Aguantar (Customs Broker), Karen Villaflor Sacro, chairman ng Freight Forwarding Company, Ark Global Movers; at Rey Baysa Gujilde, Presidente ng Freight Forwarding Company, Ark Global Movers.

Dinala lahat ng naaresto sa Department of Justice, National Prosecution Service sa Padre Faura, Manila para sa inquest proceedings.