Calendar
NCRPO chief nagpasalamat kay Mayor Honey
NAGPASALAMAT si National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/MGen. Sidney Hernia kay Manila Mayor Honey Lacuna sa suporta at kooperasyon sa kapulisan na nagbunga ng tagumpay na pagkabuwag sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) scam hub sa Malate, Manila.
Ayon sa NCRPO chief, ang pagtutulungan sa pagitan nila ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG), pati na ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD), patunay sa epektibong paglaban sa mga organisadong grupong sangkot sa iba’t-ibang krimen.
“Mayor Lacuna’s steadfast commitment to public safety and cooperation with law enforcement have been instrumental in the success of this operation.
With her support, this mission reflects the LGU’s alignment with national objectives in combating illegal activities,” pahayag pa ni MGen. Hernia.
Nananatili ang kanilang dedikasyon na tiyaking maipapasara ang lahat ng POGO sa Maynila pagsapit ng Disyembre 31, 2024, bilang pagtalima sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ayon sa heneral.
Sinabi pa ni Hernia na pinakikinabangan na rin ng NCRPO ang Law Enforcement Reporting Information System (LERIS) app upang mai-report kaagad sa tamang oras ang nagaganap na krimen para sa agarang aksyon ng kapulisan.