Calendar

Metro
Negosyante dinampot sa panghahalay ng menor de edad
Jon-jon Reyes
Sep 20, 2024
180
Views
HINULI ng mga pulis ng Manila Police District (MPD) ang 40- anyos na negosyante dahil sa reklamong statutory rape ng menor-de-edad na biktima sa Claro M. Recto Avenue at Florentino Torres St., Binondo, Manila noong Huwebes.
Walang inirekomendang piyansa para sa temporary liberty ng suspek na nakilalang si alyas Jeff Bata ng Sta. Cruz, Manila.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, station commander ng MPD-Meisic Police Station 11, bandang alas-2:30 ng madaling araw nang maaresto ang negosyante sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Judge Jacqueline Martin-Balictar, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 9 ng Manila.
Patay na babae nakita sa bundok ng basura sa Payatas
May 14, 2025