Negosyante

Negosyante pinaulanan ng bala sa kanyang laundry shop, dead on the spot

278 Views

DEAD on the spot ang isang negosyante matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek nitong Lunes ng umaga sa loob ng kanyang laundry shop sa Novaliches, Quezon City.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Novaliches Policd Station nangyari ang insidente bandang alas 8:59 ng umaga sa panulukan ng King Christopher at King David Ave. Kingspoint Subdivision Brgy. Bagbag, Novaliches, QC.

Nasa loob ng kanyang laundry shop ang biktima nang pasukin ng suspek na naka kapote ng TNVS at pinagbabaril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Agad na nirespondehan ng mga tauhan ni Novaliches Police Station 4 PLtCol. Aljun Belista ang insidente at natagpuang naliligo sa kanyang sariling dugo ang biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang madakip ang suspek na tumakas sa direksiyon ng Quirino Highway.