Thompson Naunahan ni Scottie Thompson ng Gunebra sa bola sina Bradwyn Guinto at Christian David ng Blackwater sa.kanilang laro sa PBA Commissioer’s Cup kamakailan. PBA photo

Never say die pa din ang Ginebra

Robert Andaya Nov 28, 2023
252 Views

TULAD ng inaasahan, never say die pa din ang defending champion Barangay Ginebra.

Nagsanib pwersa sina Tony Bishop, Maverick Ahanmisi at Christian Standhardinger upang pangunahan ang Ginebra sa come-from-behind na 90-87 panalo laban sa Blackwater sa PBA Commissioner’s Cup sa PhilSports Arena sa Pasig.

Nagpakitang gilas si Bishop sa kanyang double-double na 25 points at. 11 rebounds para sa Ginebra, na bumawi mula 17-point kalamangan ng Blackwater sa opening quarter at maitakas ang makapigil-hiningang panalo.

Si Ahanmisi ay may 20 points, six rebounds, five assists at two steals sa 41 minutes, habang si Standhardinger ay may double-double game na16 points, 12 rebounds at six assists sa 42 minutes para sa Ginebra.

Pang-apat si Stanley Pringle na Ginebra player na.umiskor ng double figures sa kanyang 10 points mula 4-of-10 shooting sa 5 minutes mula bench.

Nagdagdag naman sina Japeth Aguilar ng eight points, three rebounds at two blocks, at Scottie Thompson ng seven points, six assists at. three rebounds.

Ang kanilang ikatlong panalo sa apat na laro ay naghatid din sa Gin Kings sa three-way tie para sa second place kasama ang Meralco at Phoenix Super LPG at nagtulak sa Bossing sa ika-apat na dikit na kabiguan

Namuno para sa Blackwater sina Puerto Rican import Chris Ortiz and RK Ilagan sa kanilang 20 at 15 points, ayon sa pagkasunod.

Meron din si Ortiz na 10 rebounds at six assists.

Una dito, pinabagsak ng Meralco ang TNT, 109-95.

Umiskor sina Suleiman Braimoh at Chris Banchero ng 55 points para iposte ng Meralco ang 3-1 win-loss record.

Binigo din ng Meralco ang memorableng gabi ni Rondae Hollis-Jefferson, na may 47 points para sa TNT.

Ang mga iskor: 

First game 

Meralco (109) – Braimoh 37, Banchero 18, Quinto 13, Hodge 12, Newsome 12, Dario 6, Almazan 6, Bates 0, Caram 5, Rios 0.
TNT (95) –Hollis-Jefferson 47, Castro 19, Khobuntin 8, K.Williams 5, Reyes 5, Oftana 4, Montalbo 3, Galinato 2, Heruela 2, Ponferrada 0, Tungcab 0, Tolomia 0
Quarterscores: 29-21, 52-42, 80-70, 109-95.

Second game

Ginebra (90) – Bishop 25, Ahanmisi 20, Standhardinger 16, Pringle 10, J.Aguilar 8, Thompson 7, Pinto 4, Cu 0.
Blackwater (87) — Ortiz 20, Ilagan 15, Rosario 15, Hill 11, Suerte 8, DiGregorio 8, Guinto 8, David 2, Casio 0, Escoto 0, Ayonayon 0, Banal 0.
Quarterscores: 19-36, 41-50, 71-69, 90-87.

Games Wednesday:

(Smart Araneta Coliseum)
4 p.m. –Terrafirma vs. Phoenix
8 p.m. — San Miguel Beer vs. Rain or Shine