Pampanga Kampeon ang Pampanga Giant Lanterns.

MPBL crown nasungkit ng Pampanga

Robert Andaya Dec 5, 2023
175 Views

TINANGHAL na pinaka-bagong kampeon ang Pampanga Giant Lanterns sa 2023 MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Fifth Season.

Ipimamalas ng Giant Lanterns ang kanilang lakas upang muling biguin ang Bacoor Strikers, 82-77, at ma-kumpleto ang kanilang three-game sweep para sa kampeonato.

Nagsanib pwerda sina Encho Serrano, Archie Concepcion, Kurt Reyson at Justine Baltazar upang tiyakin ang panalo ng Giant Lanters ĺaban sa Strikers sa,Game 3 sa Strike Gymnasium sa Bacoor, Cavite.

Una dito, winalis ng Pampanga ang Bacoor, 71-58, sa Game 1 at 68-65, sa Game 2 — sa kanilang homecourt sa San Fernando, Pampanga.

Ibinuhos ni Serrano ang 16 sa kanyang game-high 24 points sa second half, kabilang ang driving layup na nagbigay sa Giant Lanterns ng 78-70 lamang sa huling 47.5 segundo.

Nahirang si Serrano na Game 3 “Best Player of the Game ”

Nagbida din sina Concepcion,na may 18 points, kabilang ang 12 sa fourth quarter, at Reyson, na may 13 points, 10 sa first half.

At si Baltazar, ang runaway MVP winner, na may all-around performance na 11 points. 19 rebounds, five assists, three steals atnone block.

Ang iba pang Giant Lanterns ni Gov. Dennis Pineda, na tumatayo ding head coach, na sina MJ Garcia ay may nine points at Allen Liwag, na may four points at 11 rebounds.

Namuno si Jhan Nermal para sa Bacoor sa kanyang 20 points, kasunod si James Kwekuteye , na may 15 points at Jhaymo Eguilos, na may 11 points at eight rebounds.

Si MPBL Founder/CEO Manny Pacquiao ang nag-abot ng tropeo kina Pineda at team owners Cong. Dong Gonzales at AG Gonzales.