Calendar
NGCP investment ‘100% primary shares’
NASA P19.7 bilyong investment ang inilagak ng Maharlika Investment Corporation sa National Grid Corporation of the Philippines.
Ayon kay MIC President at Chief Executive Officer Rafael Consing Jr. nasa 6.5 percent o P1.28 bilyon ang kikitain ng gobyerno kada taon.
Una nang nakakuha ang MIC ng 20 percent share sa NGCP.
Ayon kay Consing, gagamitin ang share sa pagbili ng P15 each sa preferred shares sa Synergy Grid and Development Philippines Inc. (SGP) na key stakeholder sa NGCP.
Ayon kay Consing, ang NGCP investment ay “100% primary shares.”
“Ang ibig sabihin po niyan is kapag primary shares po, lahat po ng capital na i-invest po natin, pupunta diretso sa kumpaniya para siya namang gamitin para pagsuporta sa rollout ng capex ng NGCP,” pahayag ni Consing.
Umaasa si Consing na mas marami pang investment ang papasukin ang MIC sa mga susunod na araw.
“We have, in fact, working on multiple transactions. In the next 30 days we could have another one,” pahayag ni Consing.