Rodrigo Duterte

Night shift differential pay sa mga empleyado ng gobyerno isinabatas

192 Views

PINIRMAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. (RA) 11701 upang mabigyan ng night shift differential ang mga empleyado ng gobyerno kasama ang mga nasa government-owned or controlled corporations (GOCCs).

Sa ilalim ng bagong batas, kuwalipikadong mabigyan ng night shift differential ang mga nasa posisyon ng Division Chief pababa. Hindi naman maaaring lumagpas sa 20% ng suweldo kada oras ang halaga ng nigh shift differential na ibibigay sa mga papasok mula alas-6 ng gabi hanggang 6 ng umaga kinabukasan.

Hindi naman kasali sa bibigyan ng night shift differential ang mga nagtatrabaho ng alas-6 ng umaga hanggang 6 ng gabi. Ang kanilang itatrabhao ng lagpas sa walong oras ay dapat bayaran ng overtime pay.

Hindi rin kasali ang mga empleyado na on-call o kailangang pumasok ng anumang oras gaya ng mga sundalo, pulis, at bumbero.