Valeriano

Ningas-kugon’ na seguridad pinuna -Ningas-kugon’ na seguridad pinuna

Mar Rodriguez Nov 21, 2023
158 Views

Kasunod ng pamamaril sa loob ng Victory Bus 

PINUNA ni Manila 2nd Dist. Cong. Rolando “CRV” M. Valeriano ang umano’y “ningas-kugon” sa seguridad sa mga mataong lugar para tiyakin ang kaligtasan ng publiko. Kasunod ng nangyaring karumal-dumal na pamamaril sa loob mismo ng Victory Lines Bus na bumibiyaheng Nueva Ecija.

Binigyang diin ni Valeriano, Chairman ng House Committee on Metro Manila Development, na laging “reactionary” sa halip na maging “proactive” ang seguridad sa mga pang-publikong. Kung saan, kumikulos lamang umano ang mga awtoridad kapag mayroon ng sumambulat na insidente.

Ipinaliwanag ni Valeriano na napipilitan lamang kumilos o magbigay ng reaksiyon ang mga awtoridad kapag mayroon ng nangyaring insidente katulad ng nangyari sa loob ng Victory Bus na may plate number na CAY-3363 matapos na dalawang pasahero ang pagba-barilin sa loob ng bus.

Ayon sa kongresista, nagiging “reactionary” ang mga awtoridad sapagkat kikilos lamang sila kapag mayroon ng nangyaring insidente. Sa halip na maging “proactive” o kikilos na sila ng maaga para maiwasan ang nasabing pangyayari sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mahigpit na seguridad.

“We are always reactionary instead of proactive. And husay ng mga opisyal ng bus company at ng ating mga ahensiya. Alam na alam nila ang gagawin para iligtas ang ating mga kababayan sa tiyak na kapahamakan pero bakit hindi nila nagawang iligtas? Lagi na lang bang ganito?” sabi ni Valeriano.

Dahil sa pangyayaring ito, iminumungkahi ni Valeriano na napaka-importanteng magpatupad ng mas mahigpit na seguridad sa mga pang-publikong lugar partikular na sa mga panahong nalalapit na ang kapaskuhan upang maiwasang muling mangyari ang insidente sa Victory Bus.

Idinagdag pa ni Valeriano na ang nangyari sa loob ng Victory Bus ay isang “wake-up call” o isang pangangalampag sa mga awtoridad para huwag maging ningas-kugon ang pagpapatupad nila ng seguridad lalo na at laging aniyang nakasalalay ang buhay ng publiko sa lahat ng oras at panahon.