NLEX

NLEX may taas singil simula Hunyo 15

162 Views

SIMULA sa Hunyo 15 ay magpapatupad ng taas-singil ang North Luzon Expressway (NLEX).

Inaprubahan ng Toll Regulatory Board’s (TRB) ang pagtataas ng toll fee.

Ang mga manggagaling sa Balintawak, Caloocan at Mindanao Avenue hanggang Marilao, Bulacan, ay may dagdag na P7 kung Class 1, P17 kung Class 2 at P19 kung Class 3.

Mula Marilao hanggang Mabalacat, Pampanga, may dagdag na P26 para sa Class 1, P65 sa Class 2 at P77 sa Class 3.

Para sa Subic-Tipo, may dagdag na P4 para sa Class 1, P8 sa Class 2 at P11 sa Class 3.

Kung bibiyahe mula Metro Manila hanggang Mabalacat, may dagdag na P33 para sa Class 1, P81 sa Class 2 at P98 sa Class 3.

Bago ito, nagpatupad ang NLEX ng pagtaas sa singil noong nakaraang taon.