Speaker Romualdez

NLEX officials ipapatawag ni Speaker Romualdez dahil sa traffic jam

166 Views

NAIS malaman ni House Speaker Martin Romualdez kung bakit hindi nababasa ang mga RFID ng mga sasakyan sa mga toll plaza na naging sanhi tuloy ng milya-milyang traffic partikular sa North Luzon Expressway (NLEX) noong Miyerkoles Santo.

Ayon kay Deputy Majority Leader Rep. Erwin Tulfo ang daming nagalit at nagsumbong kay Speaker Romualdez na hindi binabasa yung RFID sticker nila pagdaan sa toll plaza na naging dahilan ng napakahabang traffic sa NLEX noong araw na iyon.

“Ano pa raw ang silbi ng RFID kung hihingin din naman daw yun card nila sa toll booth?,” ani Cong. Tulfo.

Ayon pa kay Tulfo, “Hindi lang po NLEX kundi pati na rin ang SLEX at Toll Regulatory officials pupulungin na rin ni Speaker para malaman kung anong mga hakbang ang ginagawa nila hinggil sa hindi pag-gana ng mga RFID sa ilang toll gates”.

“Gustong malaman ni Speaker if their RFID reader or RFID laser ba ang defective kaya ganun?”,tanong pa ng mambabatas mula sa ACT-CIS Partylist.

“sa Japan, Singapore, at Europe automatic na tataas agad yung boom barrier pagdaan ng sasakyan sa toll gate,” aniya.

Ayon pa sa mambabatas, “Mukhang dito sa atin mumurahin yata ang nailagay nila na RFID reader kaya hindi nakakabasa ng sticker”.

“Matagal ng reklamo yang di nababasa na RFID at nakakarating na kay Speaker Romualdez galing pa mismo sa ilang kasamahan namin sa congress,” dagdag pa ng Deputy Majority Leader ng Kongreso for communications.

“Now if they can’t fix it, siguro congress can start reviewing their franchises upon the instruction of the Speaker, of course…at baka may iba dyan na kayang gawan ng paraan ang problema na yan,” ani Tulfo.