Robbery

No. 8 most wanted sa Lanao timbog sa pagnanakaw

379 Views

NAARESTO ng mga tauhan ng Police Regional Office–Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) at Regional Intelligence Unit-15 ang isang suspek sa pagnanakaw sa Lanao del Sur sa Brgy. Inudaran, Marantao noong Lunes.

Kinilala ang suspek sa alyas na Saliling, ang no. 8 sa listahan ng most wanted persons sa probinsya.

Pinuri ni P/Brig. Gen. Jaysen De Guzman, director ng PRO BAR, ang mga pulis dahil sa pagkakahuli sa suspek.