PNPA Nagsagawa ng media forum ang mga opisyal ng Nueva Ecija Press Club Inc. kay provincial police director Col. Ferdinand D. Germino at kanyang command group noong Martes ng umaga. Kuha ni Steve Gosuico

No politics sa PNPA grads sa Nueva Ecija–hepe ng pulis

Steve A. Gosuico Mar 5, 2025
33 Views

CABANATUAN CITY–Nilinaw ng Nueva Ecija police na “walang relasyon sa pulitika” ang pagkakatalaga kamakailan ng mga bagong police graduates mula sa Camp Crame para sa “intelligence work” at “security survey” sa tatlong bayan sa lalawigan.

“Requirements sa graduation nila sa school ang assignment nila sa mga istasyon, walang relasyon ito sa pulitika,” paglilinaw ni P/Col. Ferdinand Germino, hepe ng NE police.

Mayroong nine-man team ng mga bagong Philippine National Police Academy graduates mula sa Camp Crame sa mga piling istasyon ng pulisya sa ikaapat na distrito ng lalawigan.

Nagmo-monitor bilang on-the-job training na police graduates na may ranggong tinyente sa Jaen at Cabiao na nasa ilalim ng yellow category para sa halalan sa Mayo 12.

Ayon sa ulat, ang mga PNPA graduates inatasang gumawa ng “intelligence work” at “security survey” patungkol sa mga istasyon ng pulisya kung saan sila nakadeploy sa loob ng tatlong araw mula Pebrero 25 hanggang 27.

“Gagawa sila ng isang pag-aaral tungkol sa police station, kung ano ang mga nangyayari, mga krimen, at iba pang krimen kung ano ang ginagawa ng pulis dun tapos gagawa sila ng policy paper about it,” saad ni Germino.

Tinanggap ni outgoing Cabiao Mayor Ramil B. Rivera ang siyam na police OJT at bagong talagang police-officer-in-charge na si Major Hansen G. Miguel sa kanyang bayan.

“Mas gusto ko nga maraming pulis nandito sa aming lugar para sa seguridad,” sabi ni Rivera.