Yosi

Nueva Ecija pulis winasak P1.5M smuglled na yosi

Steve A. Gosuico Sep 11, 2026
26 Views

Yosi1CABANATUAN CITY–Isinagawa ang seremonyal na pagwasak ng mga sinurender na smuggled na sigarilyo na may kabuuang halaga na P1,563,716 sa Nueva Ecija Police Provincial Office gymnasium noong Biyernes.

Pinangunahan ni Nueva Ecija cop chief Col. Ritchie Claravall ang pagsira kasama sina Dr. Christian M. Salazar, Nueva Ecija Provincial Health Office at Cez Aldrin P. Cruz ng BIR-RDO23B, South Nueva Ecija.

Ayon kay Claravall, ang operasyong ito ay isinagawa ng “Task Force Kapre” na pinamumunuan niya bilang commander at ni Lt. Col. Jonathan Meru bilang deputy chief.

“Continuous po itong Task Force Kapre natin, everyday ito, tapos may imbentaryo tayo kada linggo sa lahat ng police stations natin, tuloy tuloy po tayo yung mga nagsusurender ng mga smuggled o untaxed cigarettes,” pahayag ni Claravall.

Patuloy aniya ang imbestigasyon ng kapulisan upang matukoy at mahuli ang nasa likod ng illegal na operasyong ito.

Ayon sa imbentaryo, ang mga sinirang smuggled cigarettes ay binubuo ng isang kahon, 1,927 reams at 348 na pakete na may kabuuang halaga na P1,563,716.