Arrested

Obrero tinutukan ex-gf na nang-iwan, pinosasan

17 Views

NAHULI noong Huwebes ng mga pulis ang obrero na may baril na tinutukan ang kinakasama sa Don Celso Tuazon, Brgy. San Juan, Cainta, Rizal.

Kinilala ang biktima na si alyas Eden, 32, at si alyas Makoy, 35, naman ang suspek.

Ayon sa biktima, naghiwalay na sila ni Makoy dahil sinasaktan siya ng suspek.

Pero sinundan siya ng suspek at pinakiusapan na kung pwede silang magsama uli.

Tumanggi ang biktima kaya nagalit ang huli at kinuha ang kanyang maikling baril at tinutukan siya.

Humingi ng tulong ang biktima ng tulong kay Jonathan Zalsus Baclayon kaya naaresto ang suspek at nakumpiska ang baril niya na pang-Airsoft.

Maaring sampahan ang suspek ng mga kasong paglabag sa RA 9262 (Psychological Abuse/Threat) at Paglabag sa R.A 10591 kaugnay ng BP 881 (Omnibus Election Code of the Philippines).