8-anyos nagpaalam mag-computer, umuwing bangkay
Oct 27, 2026
Calendar
Provincial
Obrerong natabunan ng lupa, di agad napa-ospital dahil sa baha, dedo
Jojo Cesar Magsombol
Aug 10, 2026
180
Views
STA. TERESITA, BATANGAS–Namatay matapos matabunan ng gumuhong lupa noong Sabado sa Brgy. Calumala ng bayang ito ang 69-anyos na construction worker, ayon sa report ng pulisya.
Sa imbestigasyon, nagpapahinga ang nasawing si alyas Teodoro sa kanilang barracks kasama ang mga katrabaho sa gitna ng malakas na ulan ng biglang gumuho ang lupa bandang alas-11:00 ng gabi.
Sa pagtatangkang tumakas, nahulog ang biktima sa apat na metrong riprap at natabunan ng mga debris.
Nahukay siya ng mga kasamahan pero naantala ang paghahatid sa kanya sa ospital dahil sa mataas na baha.
Ayon kay Dr. Reginald Mercado, bandang ala-1:25 ng madaling-araw noong Linggo binawian ng buhay si Teodoro sa Taal Polymedic Hospital.
Isyu sa YAKAP sa San Antonio hiniling na linawin
Oct 26, 2026
Wanted sa drugs kulong sa Cardona
Oct 26, 2026
Dating komunista sumuko sa Bataan, dala pati boga
Oct 26, 2026
Nagnakaw ng donation money sa Vigan Cathedral nahuli
Oct 26, 2026

