Calendar
AFAB nag-WFH noong Lunes
AGPATUPAD ng work-from-home (WFH) set up ang Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB) noong Lunes bilang paghahanda sa malakas na ulan dahil sa habagat.
Alinsunod din ito sa Memorandum Circular No. 123 na inilabas ng Office of the President para sa pagpapatupad ng work-from-home arrangement sa mga tanggapan ng pamahalaan sa ilang mga lalawigan, kabilang ang Bataan.
Gayunpaman, ang mga tanggapan na may mgatungkulin sa paghahanda at pagtugon sa mga emergency, sakuna at kalamidad, gayundin sa pagbibigay ng mahahalagang serbisyo, kabilang ang Enterprise Assistance at Port Services, ay tuloy sa kanilang operasyon at magbibigay ng mga kinakailangang serbisyo on-site, sabi ni Hussein Pangandaman, AFAB CEO at administrator.
Ang pagpapatupad ng alternative work arrangement o pagsususpinde ng trabaho sa mga AFAB-registered enterprises ay nasa pagpapasya ng kani-kanilang executive officers, na isinasaalang-alang ang kaligtasan at kapakanan ng kanilang mga empleyado.

