Calendar
Oducado tututukan priority bills
SA pagpapatuloy ng session sa Kamara de Representantes, ang ilan sa mga tututukan ni 1-TAHANAN Party List Representative Nathaniel “Atty. Nat” M. Oducado ay ang kaniyang mga priority bills o mahahalang panukalang batas upang ito ay agad na maisabatas bago man lamang matapos ang kasalukuyang taon.
Ayon kay Oducado, ang ilan sa mga priority bills na tututukan nito ay ang kaniyang House Bill No. 3887 (An act increasing the excise tax on alcoholic beverages) na naglalayong magkaroon ng 15% annual increase sa mga alcoholic drinks tulad ng beer at hard drinks.
Ipinaliwanag ng kongresista na layunin ng kaniyang panukalang batas na makalikom ang pamahalaan ng tinatayang nasa P200 bilyon sa loob ng susunod na anim na taon.
Sa pamamagitan nito, dagdag pa ni Oducado na nais nitong mabawasan ang bilang ng mga mamamayan na bisyo ang pag-iinom ng alak maging beer man ito o hard drinks.
Ipinahayag ni Oducado na hindi maikakaila na maraming Pilipino ang nagkakasakit dala ng sobrang pagkahumaling sa naturang bisyo gaya ng sakit sa atay, sa baga ag hypertension.
“I filed House Bill 3887. The bill mandates a 15% annual increase for distanced spirits and 10% for beers and fermented liquids, closing the premium drink loophole. This will have a projected revenue of around P200 billion over the next years and will strengthen our UHC, NCD prevention and rehabilitation program,” wika ni Oducado.
Samantala, iminumungkahi ng mambabatas na dapat magkaroon ng isang kongkretong estratehiya ang mga ahensiya ng pamahalaan bilang paghahanda sa pananalasa ng mga bagyo sa bansa.
Kasunod ng pagkamatay ng tinatayang nasa 66 katao dulot ng bagyong Tino na humagupit sa iba’t-ibang lalawigan.
“If our investigators continue to lack concrete strategy. If our preparedness remains piecemeal, if our service to the country lacks sincerity. We will remain in the same quandry, a tragic cycle of loss, blame and forgetfullness,” sabi pa ni Oducado.

